Naalala ko. Kamakailan lang, may binanggit ang dating right hand man
ko (na ngayon ay youth leader na). Tungkol sa isang kabataan na
nagpatubo ng balbas (which i occasionally do). Kinuwento niya yung
isang time na nagusap sila nung kabataan na ito at yung sister niya:
Sister: uy, balbas sarado ah. Ginagaya mo si kuya ian 'no?
Kabataan: mas guwapo naman ako dun.
Last
At first glance, it's an exchange of jokes. Pero looking at it
closely, may halong kaplastikan, insecurity, at kayabangan sa
kabataan na yun. Paano ko nasabi? 1) wala ako nung sinabi niya yun,
2) may ibang sagot naman na mas lapat sa tanong na yun, pero yun ang
namutawi sa bibig niya.
Pero, para hindi maging stressful sa akin, i took it as a joke by
saying, "hahahahahaha, conceited ang bata".
One time, i heard a teacher cheering to her co-teacher. Maganda si
teacher. SI pretty teacher nasa balcony, dumudungaw sa co-teacher
niya na sumasayaw. it goes like this:
Pretty teacher: sige, go (name ng co-teacher), go go go go
(biglang bumulong) Ang pangit mo.
From that point on, turn off na ako, even if she has the class.
Ang tao ay isang napaka-complicated na nilalang mga kabobo (at
sigurado alam natin yun). Hindi tayo robot. We have our own
negative or positive opinions sa taong nakapaligid sa atin. Ito ang
senyales na tayo ay walang sayad sa ulo, dahil may puna tayo
(negatibo AT positibo) sa kapwa nating tao. Ang pagkakaiba nga lang,
ang iba tinatago ito, ang iba, sinasabi ito, ang iba, iba sinasabi
sa'yo pag kaharap ka, iba na pag nakatalikod ka.
Ngayon, tungkol sa tanong na buhay ba akong OROCAN? Ang sagot, hindi
po. Napatunayan ko na yan. May kanya-kanyang panahon ang mga bagay
kung kailan ito sasabihin.
Ang sukatan ba ng pagiging hindi plastik ay yung ilang beses ka
nagalit ng harapan? Ang sukatan ba ng pagiging hindi plastik ay yung
nababara mo ang boss mo ng harapan? Na pag kinamayan ka ng taong sa
tingin mo ay plastik sa'yo ay iiwasan mo ang kamay? Na pag binati ka
at sabihing "ang ganda mo" o "ang guwapo mo" ay either iisnabin mo o
babarahin mo, atbp.? Na pag hindi maganda treatment sa'yo ay susugod
ka ng susugod?
Masama bang maging optimist? Masama bang pigilan mo ang opinion mo
pansamantala dahil malamang ay mali ka at hindi mo alam ang buong
istorya?
Tama. Nakakainis ang mga "back stabbers". Ang nakakainis pa, hindi
ka makahirit dahil magdedeny o wala kang proof. At kung taong
simbahan ka, magtatago pa ang iba sa palda/pantalon ng mga church
leaders na malakas sila.
Still though, sabi nga ng mga mahihilig magtapos ng mahabang
sinabi, "GANUN TALAGA". Kasama sa buhay yan. Ang problema na lang
natin (problema nga ba sabi na mga "baradista") , paano tayo
makikisalamuha sa ganito? Sasakyan ba natin o babarahin natin?
Sasama ba tayo sa istilo nila o aawayin natin sila o gagawa tayo na
sarili lugar sa mundong ibabaw?
Artist of Evil
-
We're in the final week stretch / halfway to *Halloween / Walpurgisnacht* countdown
celebration. And those of you who know, know exactly what I'm talkin' ...
21 hours ago
