Thursday, November 13, 2008

HINAING NG BALAT NG HALLS


Jay Orongan (May 4, 2006)

Sa isang tindahan ako namalagi
Nakakulong sa isang garapong nakakubli
Pilit binabatid ang kahalagahan ng sisidlan
Nangangarap na makaalpas upang mundo’y masilayan.

Ano nga ba ako sa mundong ito?
Bakit nga ba ako naririto?
Ito ba ang tadhanang aking dapat tanggapin?
Patuloy akong nagtatanong, nawa ako’y dinggin.

Sa sulok ng napag-iwanang gabi
Pilit itinatago aking mumunting hikbi
Sa likod ng makulay at maganda kong anyo
Mababanaag aking pagkasiphayo.

Lumipas ang mga araw at gabi
Bigla na lamang nabulabog ang aking pagmumuni-muni
Katawang pagal dagling dinaklot
Mula sa sisidlang matagal ding ikinabugnot.

Ahh! Ano itong nangyayari sa akin ngayon?
Ang aking katawa’y nalalasag, niluluray, itinapon!
Di ko maintindihan ang mga nangyayari
Takot sa puso ko’y di mapawi-pawi.

Nagdaan pa ang ilang sandali
Takot ay napalitan ng paghikbi,
Dating mabango at makulay kong anyo
Ay isa na lamang ala-alang aking itatago.

Saan kaya ako dadalhin ng kapalarang ito?
Bagong kinalalagayan, malaming, madumi at mabaho.
Aking kinasadlakan sintigas ng aspalto
Nilalamig, nanginginig, ako’y nagsusumamo
Ako’y muling ibalik sa sisidlang itinuring tahanan ko.

Wednesday, November 12, 2008

Poem of Rexie

AMOR EN LOS TIEMPOS DE ANGELOS

(Love in the time of Angels)

REXIE

Had I the stars and the abysmal

Wealth of the earth

The incandescence of celestial

Perfume of flora and mirth

Had I those things I’ll give them to you!

But I, being your student have myres

Only my mere obeisance

My respect and my interminable love

Of your luminous stance

Only those I could give to you!

I only have the simplicity

Of truth, the adamant

Belief that you are knowledge

With vestal fastness and acuity never blunt

Alas! My profound nonsense is what I could give!

Adios to my three masters!

My mind void of knowing shall remember

For I have nothing to give, none could be lost

Only you

Ese hombre amores en los tiempos de angelos!

(You are my beloved in the time of Angels!)

PAG-IBIG SA PANAHON NG MGA ANGHEL

(Translated by Marjo Salafrania)


Kung nasa akin lamang…

Ang mga bituin ang walang hanggang yaman sa mundo;

Ang nagliliwanag na kalangitan,

Ang halimuyak ng bulaklak at halaman;

Kung nasa akin lamang ang mga ito, akin itong iaalay sa’yo!

Subalit… ako’y isang hamak na mag-aaral;

Pagsunod lamang ang tinataglay,

Paggalang at di- matawarang pagmamahal

Sa iyong bokasyong kalugod-lugod.

Ang mga ito ang tangi kong maihahandog sa iyo!

Ang nasa akin lamang ay ang payak na katotohanan,

Ang matibay na paniniwala na ikaw ay karunungan;

Isang pantas, na di mapapabulaanan.

Ngunit, mga ayaw pakinggang palagay lamang ang aking maibibigay!

Paalam sa aking tatlong Maestro!

Ang aking mangmang na isipan ay nagkagunita.

Sapagkat sa ako’y walang maibibigay, wala na rin sa aki’y mawawala…

Tanging Kayo…

Kayo ang aking pag-ibig sa panahong may mga Anghel!


Tuesday, November 4, 2008

Echoserang Frog

BIRTHDAY BLUES
Nag celebrate ako ng birthday ko nung October 26, 2008... di naman talaga ako sanay magdiwang ng aking birthday pero nagkataon na may naawang kaluluwa at sinabi nya na magdiwang daw ako... nung una gusto ko sanang tanggihan kasi di naman ako sanay sa mga ganung bagay.. napa-isip tuloy ako: "nakakaawa na ba ako?" gusto kong tumambling hindi sa galak kundi sa kabaliwan ko. This past few days, madalas na akong magmukmok hindi ko alam kung bakit... siguro ganun talaga ang tumatanda. Madami ka ng gustong gawin kaso limitado ang mga resources... gusto ko mag-enjoy at magliwaliw kaso again limitado ang resources... gusto kong i-treat ang sarili ko kaso... limitado ang resources ko...hay naku... kaya di ako makapag-jowa kasi mas iniintindi ko pa ang mga taong nasa paligid ko kesa sa sarili ko...iba na talaga kapag mahal mo ang pamilya mo... isusubo mo na lang e ibibigay mo na lang sa kanila... hay buhay... sana yumaman na ako nang maging masaya naman ako at ang pamilya ko... at ma-feel ko naman na minsan naging importante din ako sa kanila... Chos!!! Emote lang!!!

ooOOoo

CHISMAX
Inaamin ko....mahilig ako sa mga tsismis na yan... hay naku, para akong sinisilihan kapag di ko nalalaman ang mga maiinit at makakating chismis na yan. Dito sa pinagtatrabahuan ko... ay naku sobrang daming chismosa. Nung nagsabog ata ng pagiging chismosa si God e sinalo lahat ng mga katrabaho ko(syempre isa na ako dun hehehe). Parang showbiz, kabi-kabila ang mga eksena.. may mga gumagawa pa ng drama para maging credible ang chika nila, may iba naman e kapag nagkwento e akala mo nagtatarabaho sa comedy bar, sobra ang pang-gagaya... talo pa ang baklang pakawala sa kanto (mind you, babae ang tinutukoy ko dito). May iba naman na kapag nag-chika e pabulong at may kasama pang lamukos ng mukha. Halo-halo... iba-iba... pero iisa ang tema: Tsismis sa kapwa... Minsan naiisip ko... ano kaya kung ipagkalat ko ang mga sinabi ng mga tsismosang ito? Malamang isang malaking gulo ang magyayari... exciting yun, para ako nanunuod ng mga prosti sa kanto na nag-aagawan ng mga kostumer na makukuha...pano naman kasi bawat isa sa kanila e may kasiraang sinasabi sa isat-isa... hay naku, mga kawawang nilalang. Basta ako, upo lang ako dito sa isang tabi at maghihintay ng may lalapit sa akin at magsisiwalat ng bago at mainit na tsismis... wait lang ako dito ever....

ooOOoo

BEEF TAPA
Eto na naman ako, minding my own business ng bigla na lamang akong gulantangin ng isang tanong: "Hoy, ano ba nangyari kay Ms. Ronda at Ms. Yakuza kahapon?" hindi ako nakahuma kaagad. Iniisip ko: "nahihibang ba tong babaeng to? wala namang nangyari kahapon ah?" Maya-maya lang e para akong binatukan ng mga guardian angels ko, nakalimutan ko atang i-ON ang Wifi signal ko... mejo humina ata ang sagap ko sa mga ganyang balita.

Siguro nagtataka kayo bakit Beef Tapa ang title ng komentaryo ko ngayon (ano ba yan, pang matanda, komentaryo hehehe)... well isa lang yang pang-konek sa taong bida ng ating Chika ngayon (ayan much better)...

Sino-sino nga ba ang mga tauhan sa kwentong ito? Sige, isa-isahin natin:
1. Mrs. Duling
2. Mrs. Ronda
3. Mrs. Yakuza

Tatlo lang sila pero naku, sobrang tindi ng mga yan...

Nangyari ito ng si Mrs. Duling e naghahanap ng mga kasamahan ko... wala kasi kami sa mga post namin kaya hinanap nya kami... Biglang pumasok ang frend ko at biglang ibinulong sa akin na hinahanap daw kami ni Mrs. Duling. Nung akma ko nang sasabihin e bigla na lamang nya akong pinigilan, halos ipasok na nya buong kamao nya sa bibig ko para di ko masabi ang ibinulong nya. Syempre, nakahanap ako ng tyempo at sinabi ko kay Mrs. Ronda ang sinabi sa akin "Mrs. Ronda, bakit wala daw tayo sa mga post natin?" sigaw ko sa gitna ng aming pagpupulong. Nabigla na lamang ako ng biglang nanlisik ang mata ni Mrs. Ronda. Akala ko sinapian sya ng masamang espiritu at handa na nya akong kainin... hay katakot.

Pagbaba ni Mrs. Ronda sa conference room, nakita nya si Mrs. Yakuza at biglang nagtatalak na: "Hoy Mrs. Yakuza! Anong oras ang pasok mo? Tsenes tsenes!!" dahil sa gulat e di malaman ni Mrs. Yakuza ang gagawin at napatungo na lamang ito. Wala kasi sa lugar si Mrs. Ronda, magtatalak ba naman sa gitna ng mga katrabaho ni Mrs.Yakuza, ayun instant BIDA na naman sya. Kaya pala nagtatalak itong si Mrs. Ronda e, natanaw nya pala si Mrs. Duling na naghahanap sa amin kasi nawala daw kami sa post namin. Isa pa lang pagpaparinig ang ginawa nya para kay Mrs. Duling at ginawa nya lamang kasangkapan si Mrs. Yakuza. Kawawang Mrs. Ronda, sana sumailalim muna sya sa akin ng Workshop tungkol sa Tamang Paraan ng Pagpaparinig... dyan ako eksperto... hehehe, masyado kasi ako matabil pero may paraan sa pagbirada...

Moral lesson? Kausapin muna ang kasabwat bago bumirada... ayun award si Mrs. Ronda, ano ang mga titles? Oral defamation, alarm and scandal, moral damage at kung anik-anik pa. Sana para naiwasan nya ang mga nasabing pangyayari, hinampas na lang nya ng Beef Tapa yung pinariringgan nya, derekta pa. Yun na!




Friday, October 10, 2008

Kawawang Bakla

Si Carol Dauden, na isang magaling na aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.
Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.
Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.
Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.
Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure- pedicure- kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.
Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.
Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.
Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.
Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.
Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.
Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.
Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.
Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.
Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.
Naging malaking issue nang tawagin ni Joey de Leon na “mukhang aswang” si Pokwang. Dahil siguro magkatapat sila ng show. Sabi ni Willie Revillame, kawawa naman daw ang anak ni Pokwang kasi tinutukso sa school. Naisip ko lang, kung bakla ang co-host sa Wowowee at sinabihang “mukhang aswang” ni Joey, masasabi rin kaya ni Willie na kawawa naman ang mga pamangkin ni bakla kasi tinutukso sa school? Ano sa sa plagay niyo? Sana naman…Kasi ‘pag hindi, kawawa si bakla.
May mga artistang babae at lalaki na pangit na, wala pang laman ang utak. Itsura pa lang kasi, nakakatawa na. Ang mga baklang pangit, kailangan medyo witty at matalino. Kung hindi, kawawa kang bakla ka.
Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.
Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.
Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):
PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.

BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.
Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.
Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?
Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!
Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.
Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.
May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag- e-emote…magkukulo ng sa kwarto…magluluto… magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.
Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.
Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.
Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:
RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!
ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!
GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!
YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!
VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!
INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.
BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….

Taken from John Lapuz' Korek Ka Dyan Blog

Monday, September 29, 2008

How to cheat on tests

How to make a firball

Bisexual! sa tagalog: PAMINTA


Message: 90% ng bi, call center agents

> >
> >
> > 80% ng bi never pa nag ka girlfriend...
> >
> >
> > 70% ng bi nurse or nursing student
> >
> >
> > 60% ng bi my nude pic sa friendster
> >
> >
> > 50% ng bi my m2m video sa friend nila
> >
> >
> > 40% ng bi claim that they are discreet but their are not
> >
> >
> >
> > 30% ng bi ang name or nickname nag start with "J"
> >
> >
> >
> > 20% ng bi ay 2 timer
> >
> >
> >
> > 10% ng bi discreet talaga
> >
> >
> >
> >
> > 100% ng bi na bumabasa ngaun nito napap isip talaga..
> >
> >
> >
> > anong percent ka na punta
> >
> >
> >
> > hehehe
> >
> >
> > mag pakatotoo na ha hehehe.. peace...!!!

The Closet