Tuesday, November 4, 2008

Echoserang Frog

BIRTHDAY BLUES
Nag celebrate ako ng birthday ko nung October 26, 2008... di naman talaga ako sanay magdiwang ng aking birthday pero nagkataon na may naawang kaluluwa at sinabi nya na magdiwang daw ako... nung una gusto ko sanang tanggihan kasi di naman ako sanay sa mga ganung bagay.. napa-isip tuloy ako: "nakakaawa na ba ako?" gusto kong tumambling hindi sa galak kundi sa kabaliwan ko. This past few days, madalas na akong magmukmok hindi ko alam kung bakit... siguro ganun talaga ang tumatanda. Madami ka ng gustong gawin kaso limitado ang mga resources... gusto ko mag-enjoy at magliwaliw kaso again limitado ang resources... gusto kong i-treat ang sarili ko kaso... limitado ang resources ko...hay naku... kaya di ako makapag-jowa kasi mas iniintindi ko pa ang mga taong nasa paligid ko kesa sa sarili ko...iba na talaga kapag mahal mo ang pamilya mo... isusubo mo na lang e ibibigay mo na lang sa kanila... hay buhay... sana yumaman na ako nang maging masaya naman ako at ang pamilya ko... at ma-feel ko naman na minsan naging importante din ako sa kanila... Chos!!! Emote lang!!!

ooOOoo

CHISMAX
Inaamin ko....mahilig ako sa mga tsismis na yan... hay naku, para akong sinisilihan kapag di ko nalalaman ang mga maiinit at makakating chismis na yan. Dito sa pinagtatrabahuan ko... ay naku sobrang daming chismosa. Nung nagsabog ata ng pagiging chismosa si God e sinalo lahat ng mga katrabaho ko(syempre isa na ako dun hehehe). Parang showbiz, kabi-kabila ang mga eksena.. may mga gumagawa pa ng drama para maging credible ang chika nila, may iba naman e kapag nagkwento e akala mo nagtatarabaho sa comedy bar, sobra ang pang-gagaya... talo pa ang baklang pakawala sa kanto (mind you, babae ang tinutukoy ko dito). May iba naman na kapag nag-chika e pabulong at may kasama pang lamukos ng mukha. Halo-halo... iba-iba... pero iisa ang tema: Tsismis sa kapwa... Minsan naiisip ko... ano kaya kung ipagkalat ko ang mga sinabi ng mga tsismosang ito? Malamang isang malaking gulo ang magyayari... exciting yun, para ako nanunuod ng mga prosti sa kanto na nag-aagawan ng mga kostumer na makukuha...pano naman kasi bawat isa sa kanila e may kasiraang sinasabi sa isat-isa... hay naku, mga kawawang nilalang. Basta ako, upo lang ako dito sa isang tabi at maghihintay ng may lalapit sa akin at magsisiwalat ng bago at mainit na tsismis... wait lang ako dito ever....

ooOOoo

BEEF TAPA
Eto na naman ako, minding my own business ng bigla na lamang akong gulantangin ng isang tanong: "Hoy, ano ba nangyari kay Ms. Ronda at Ms. Yakuza kahapon?" hindi ako nakahuma kaagad. Iniisip ko: "nahihibang ba tong babaeng to? wala namang nangyari kahapon ah?" Maya-maya lang e para akong binatukan ng mga guardian angels ko, nakalimutan ko atang i-ON ang Wifi signal ko... mejo humina ata ang sagap ko sa mga ganyang balita.

Siguro nagtataka kayo bakit Beef Tapa ang title ng komentaryo ko ngayon (ano ba yan, pang matanda, komentaryo hehehe)... well isa lang yang pang-konek sa taong bida ng ating Chika ngayon (ayan much better)...

Sino-sino nga ba ang mga tauhan sa kwentong ito? Sige, isa-isahin natin:
1. Mrs. Duling
2. Mrs. Ronda
3. Mrs. Yakuza

Tatlo lang sila pero naku, sobrang tindi ng mga yan...

Nangyari ito ng si Mrs. Duling e naghahanap ng mga kasamahan ko... wala kasi kami sa mga post namin kaya hinanap nya kami... Biglang pumasok ang frend ko at biglang ibinulong sa akin na hinahanap daw kami ni Mrs. Duling. Nung akma ko nang sasabihin e bigla na lamang nya akong pinigilan, halos ipasok na nya buong kamao nya sa bibig ko para di ko masabi ang ibinulong nya. Syempre, nakahanap ako ng tyempo at sinabi ko kay Mrs. Ronda ang sinabi sa akin "Mrs. Ronda, bakit wala daw tayo sa mga post natin?" sigaw ko sa gitna ng aming pagpupulong. Nabigla na lamang ako ng biglang nanlisik ang mata ni Mrs. Ronda. Akala ko sinapian sya ng masamang espiritu at handa na nya akong kainin... hay katakot.

Pagbaba ni Mrs. Ronda sa conference room, nakita nya si Mrs. Yakuza at biglang nagtatalak na: "Hoy Mrs. Yakuza! Anong oras ang pasok mo? Tsenes tsenes!!" dahil sa gulat e di malaman ni Mrs. Yakuza ang gagawin at napatungo na lamang ito. Wala kasi sa lugar si Mrs. Ronda, magtatalak ba naman sa gitna ng mga katrabaho ni Mrs.Yakuza, ayun instant BIDA na naman sya. Kaya pala nagtatalak itong si Mrs. Ronda e, natanaw nya pala si Mrs. Duling na naghahanap sa amin kasi nawala daw kami sa post namin. Isa pa lang pagpaparinig ang ginawa nya para kay Mrs. Duling at ginawa nya lamang kasangkapan si Mrs. Yakuza. Kawawang Mrs. Ronda, sana sumailalim muna sya sa akin ng Workshop tungkol sa Tamang Paraan ng Pagpaparinig... dyan ako eksperto... hehehe, masyado kasi ako matabil pero may paraan sa pagbirada...

Moral lesson? Kausapin muna ang kasabwat bago bumirada... ayun award si Mrs. Ronda, ano ang mga titles? Oral defamation, alarm and scandal, moral damage at kung anik-anik pa. Sana para naiwasan nya ang mga nasabing pangyayari, hinampas na lang nya ng Beef Tapa yung pinariringgan nya, derekta pa. Yun na!




No comments: