Tumatanda na ako... Mga kataga na biglang sumundot sa isipan ko habang nakatanghod sa bintana ng Mutya . May mga pagkakataon na naupo na lang ako sa isang tabi at pinagmamasdan ko ang mga bagay sa paligid ko. Napakagulo, napakaingay, nakabibinging salitaan. Mga batang naglalakad at nagmamadali upang hindi mahuli sa klase, mga dating guro na ngayon ay kasama ko na sa pinapasukan kong trabaho at ang mga bagong “salta”, eto yung mga bagong pasok na guro na mas bata sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip at bulabugin ang pagal at magulo kong isipan: “Ano kaya kung maging bata muli ako?” Katanungang pilit kong binibigyan ng kasagutan. Ano nga kaya kung maging bata muli ako? May mababago ba sa buhay ko? Sa palagay ko naman siguro meron. Kapag bata ka, wala kang ibang iintindihin kundi yung mga sarili mong mga pangangailangan: “ano kaya ang ulam naming mamaya?” “May pasalubong kaya si tatay mamaya sa kanyang pag-uwi?” Sana walang pasok bukas para makapaglaro ako maghapon...” Naisip ko tuloy, ang sarap siguro kong mangyayari yun. Walang problema... laging nandyan si nanay para umagapay sa akin, siya kasi ang tagapagtanggol ko e... hay naku, san naman kaya ako hahagilap ng magbibigay katuparan sa mga kalokohang naisip ko. Sana may madampot akong gasera na kikiskisin ko para magkaroon ako ng tatlong kahilingan o kaya ng kahoy para maipukpok sa ulo ko na nagmamarakulyo sa kakaisip. Teka... nag-bell na, klase ko na. Baka magbugbugan na ang mga estudyante ko kapag di ako nakapasok sa kwarto nila. Saka ko na lang ulit dudugtungan ang mga pagbabaliktanaw sa mga masasayang nakaraang nais kong balikan...
Artist of Evil
-
We're in the final week stretch / halfway to *Halloween / Walpurgisnacht* countdown
celebration. And those of you who know, know exactly what I'm talkin' ...
21 hours ago

No comments:
Post a Comment